Eucliwood Hellscythe Pictures, Images and PhotosHidan no Aria Pictures, Images and PhotosHaruna Pictures, Images and Photos
They're fighting over me LOLXD

Thursday, October 20, 2011

UMID

Muli kong uulitin
at ibubulong sa hangin,
halaman, ilog, sa buong papawirin,
ang laman ng damdaming
labis na naninimdim-
na ang hiling lamang,
ang ika'y makapiling
Muli'y maririnig ang tinig kong sawi,
Hindi na papipigil,
abutin man ng dilim,
Lalakbayin nito
kalangita't karagatan
iikutin rin, buong kalawakan.
Tanging dalangin giliw, sa pagkakataong ito,
ang ibinubulong ko... sana'y marinig mo.

No comments:

Post a Comment